Year | Internal Revenue Allotment | Outsource Fund/ Donation/ Trust Fund and Others | Annual Budget | Expenditure | Balance |
---|---|---|---|---|---|
2017 | 1,295,082.00 | 10,000.00 | 1,305,082.00 | 0.00 | 1,305,082.00 |
Vision
Isang progresibong barangay na may takot sa Diyos, mapagmahal sa kapwa, at may matatag na Edukasyon may mga LIDER na walang kinikilingan sa pagsunod sa umiiral na batas, at handa sa anumang darating na Sakuna patungo sa Maunlad at maayos na komunidad.
Mission
Maging aktibo sa gawaing maka Diyos, Makatao, at mapagmahal sa INANG KALIKASAN”
Hikayatin ang komunidad na makilahok sa anomamg akibidad na may kaugnayan sa karunungan at Edukasyuon.
Maging Huwaran sa pagsunod sa mga umiiral na batas sa loob n gating barangay.
Magbigay ng Tulong at Impormasyon upang maging handa sa anumang kalamidad na darating sa ating komunidad.
Goal
TO PROVIDE SOCIAL SERVICES TO THE DISADVATAGED GROUP OF THE BARANGAY.
History
Sang-ayon sa mga buhay na saksing sina Generoso Gonzales (Pay Osoy) at Efipanio Isidoro (Tang Panyo) kasalukuyang pinakamatanda sa edad na nabubuhay sa Batag, ang Batag ay kanila nang sinilangan at kinamulatan, na dating Sitio ng Barangay Marilima na matatagpuan ang napakaraming “MGA PUNO NG BATAG” (saging) taglay ang mga ibat-ibang uri o klase ng mga bunga nito, na pinamahalaan ng nooy Tiniente del Barrio Mariano Calderon.
Taong 1972 SA Bisa ng Batas Republika 3590 ang Sitio Batag ay naging isang lehitimong barangay ng Bayan ng Virac, probinsya ng Catanduanes. Pinamahalaang mahusay at makatarungan ng nooy Kapitan Del Barrio Eusibio Espiritu Sr., Mga Punong Barangay Pedro Talan, ang mag asawang Lucia at Elmer Espiritu Sr. at ang kasalukuyang Lingkod bayan si Alan Vargas. Sa tulong ng kanilang mga konsehal , kagawad , ng mga nagging opisyal ng barangay at lalong higit sa lahat ang mamamayanan ng Batag sa ilalim ng patnubay ng “ DAKILA AT MAKAPANGYARIHANG DIYOS.