BUDGET, REVENUE AND EXPENDITURES
Year Internal Revenue Allotment Outsource Fund/ Donation/ Trust Fund and Others Annual Budget Expenditure Balance
2018 2,229,666.00 22,500.00 2,252,166.00 0.00 2,252,166.00
BARANGAY OFFICIALS
Brgy Official Profile Picture
Hon. Noel P. Santos
Barangay Captain
Mobile: 0909952917
Brgy Official Profile Picture
Hon. Amelita C. Cezar
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Appropriation
Mobile: 09461817123
Passed Resolutions: 1
Brgy Official Profile Picture
Hon. Nomer N. Dondiego
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Sports and Youth Development Committee
Mobile: 09460404926

Brgy Official Profile Picture
Hon. Conrado R. David
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Health & Sanitation and Environment Committee
Mobile: 09484216243
Passed Ordinances: 1
Passed Resolutions: 1
Brgy Official Profile Picture
Hon. Manolo J. Manalo
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Peace and Order, Education and Livelihood Committee
Mobile: 09123841281
Passed Ordinances: 1
Brgy Official Profile Picture
Hon. Ace Mark H. Torres
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Appropriation - Finance, Means and Ways Committee
Email: ace_torres17@yahoo.com.ph
Mobile: 09489091516
Passed Ordinances: 1
Passed Resolutions: 1

Brgy Official Profile Picture
Hon. Roszaldo C. Antonio
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Agriculture Committee
Brgy Official Profile Picture
Hon. Elena D. Del Mundo
Barangay Kagawad
Committee: Chairman on Spiritual Development Committe
Mobile: 09505505972
Brgy Official Profile Picture
Priscila C. Bardaluza
Barangay Secretary
Mobile: 09302037173

Brgy Official Profile Picture
Normita P. Evangelista
Barangay Treasurer
Mobile: 09485289006

VMGH

Vision

Isang barangay na maunlad, may malinis na kapaligiran, masaya at nagkakaisang mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan, may pagkilala at pananalig sa Diyos, kumikilos upang mapangalagaan ang likas na yaman ng karagatan para sa maunlad na pamumuhay.

Mission

Magkaroon ng mga proyektong pangkaunlaran at sama-samang kumikilos upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan, magkaroon ng pananampalataya at mangalaga sa likas na yaman para sa kapakanan at kaunlaran ng mga mamamayan.

Goal

1. Gumawa ng mga proyekto at programang pangkaunlaran. pangkalusugan at pangangalaga ng kapaligiran.
2. Magsagawa at magpatupad ng mga ordinansa sa barangay.
3. Pagsunod sa mga alituntuning nakapaloob sa batas na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan at ng barangay.
4. Pagsuporta sa mga gawaing pangkabataan na may kaugnayan sa pampalakasan, edukasyon at pagsasanay.
5. Pagkakaroon ng malinaw na pag-uulat ng mga isinasagawa ng proyekto at gawain na may kaugnayan sa pananalaping barangay.

History

Ang Barangay Manlayo ay isang punta na kanognog ng Poblacion at nasasakupan ng Barangay Calimpak na ang halos kabuuang lupa ay pag mamay-ari ng mag-asawang Eleazar at Lagdameo. Pinaniniwalaang ang mga unang nanirahan dito ay mga mangingisda na nagmula sa Visaya nangingisada sila sa pamamagitan ng pagbabaklad.

Noong 1927, dalawang makabibe o mangangalakal ng mga gamit sa bahay na nagmula sa lalawigan ng Cavite ang napadpad dito sanhi ng pagkasira ng sinasakyan nilang Pierro Carel. Natuklasan nila na maganda ang pangisdaan dito kaya sa kanilang pag uwi ibinalita nila ito sa kanilang mga kaanak. at ng matuklasan ang lugar na ito, minsan isang taga Poblacion ang nagtanong sa isang katutubong Visaya kung taga-saan ang mga dayuhang mangingisda at ito ay sumagot; sila ay taga malayong lugar ng Cavite at mula sa katagang "TAGA MALAYONG LUGAR" di kalaunan ay naging taga "MANLAYO".

Ang unang tao sa barangay na ito ay mga Diones, Pastorfide at Dualan na nagmula pa sa bario Labac Naic, Cavite na ang mga pangunahing pamamaraan ng pangingisda ay pamamanti, humuli ng isdang tonsoy, asohos at kabayas.

Noong 1951, sa pangunguna ni Tenyente Ignacio De Guzman ang Manlayo bilang isang Kristiyano ng sambayanan ay nagtatag ng sariling kapilya at nahirang ang Nuestra SeƱora de la Paz bilang patron na hinango sa Labac Naic, Cavite.

Your Ad Here...