BUDGET, REVENUE AND EXPENDITURES
Year Internal Revenue Allotment Outsource Fund/ Donation/ Trust Fund and Others Annual Budget Expenditure Balance
2017 1,165,615.00 7,000.00 1,172,615.00 888,614.00 284,001.00
BARANGAY OFFICIALS
Brgy Official Profile Picture
HON.MARCELINO S. DE GUZMAN
PUNONG BARANGAY
Email: N/A
Mobile: 09496957284
Brgy Official Profile Picture
HON. TEODORO S. DE GUZMAN
BARANGAY KAGAWAD
Committee: PUBLIC WORKS AND HIGHWAY
Email: N/A
Passed Resolutions: 1
Brgy Official Profile Picture
HON. ADORACION A. YASIS
BARANGAY KAGAWAD
Committee: HEALTH
Email: N/A
Mobile: N/A
Passed Resolutions: 1

Brgy Official Profile Picture
HON. EDGARDO B. MARANAN
BARANGAY KAGAWAD
Committee: APPROPRIATION
Email: N/A
Mobile: 09105598560
Passed Ordinances: 1
Passed Resolutions: 1
Brgy Official Profile Picture
HON. ROMEO L. YASIS
BARANGAY KAGAWAD
Committee: EDUCATION
Email: N/A
Mobile: N/A
Passed Resolutions: 1
Brgy Official Profile Picture
HON. WILFREDO E. LAUDIT
BARANGAY KAGAWAD
Committee: PEACE IN ORDER
Email: N/A
Mobile: N/A

Brgy Official Profile Picture
HON. JUANITO A. ALFONSO
BARANGAY KAGAWAD
Committee: AGRICULTURE AND ENVIRONMENT
Email: N/A
Mobile: N/A
Brgy Official Profile Picture
HON. DIANA P. AMADOR
BARANGAY KAGAWAD
Committee: WOMENS AND FAMILY/ YOUTH AND SPORTS DEVELOPEMENT
Email: N/A
Mobile: 09099361201
Passed Resolutions: 1
Brgy Official Profile Picture
HON. RUEL C. INCISO
BARANGAY SECRETARY
Email: Owellinciso@gmail.com
Mobile: 09297080084

Brgy Official Profile Picture
HON. JENELYN V. CASTILLO
BRGY. TREASURER
Email: castillojenelyn02@gmail.com
Mobile: 09481560438

VMGH

Vision

MAPATATAG ANG ISANG PAMAYANAN O KUMUNIDAD NA MAY PAGKAKAISA, MALUSOG AT MATAPAT NA PAMAYANAN. PALAGANAPIN ANG PROGRAMANG MAY KINALAMAN SA PAG-PAPAUNLAD NG KABUHAYAN LALU NA SA AGRIKULTURA. PANGANGALAGA NG LIKAS NA YAMAN AT INSPRAKTURA SA PANGUNGUNA NG NAGKAKAISANG PAMUNUAN TUNGO SA ISANG MAUNLAD AT MAPAYAPANG KUMUNIDAD……

Mission

PAG-IBAYUHIN ANG ISANG MAKA-DIYOS, MAKA-KALIKASAN, AT MAKA-TAONG PAGLILINGKOD, PARA SA IKA-GAGANDA NG PAMUMUHAY NG PAMAYANAN SA PAMAMAGITAN NG MGA PROGRAMANG PANG-KABUHAYAN, SIKAPING MAGTULUNGAN ANG PAMUNUAN AT MAMAMAYAN PARA MAISAKATUPARAN ANG MALINIS NA PAMAYANAN……

Goal

1. MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN UPANG IPAABOT ANG MGA KAHILINGAN/RESOLUSYON PARA SA PAGAWAING BARANGAY.
2. MAKAPAGPASA NG MGA PATAKARAN/ORDINANSA PARA MAGSILBING GABAY SA PAGLUTAS NG MGA PROBLEMA AT AT SULIRANIN NG BARANGAY.
3. HUMANAP NG MGA PROYEKTO AT KARAGDAGANG PAGKAKAKITAAN ANG MGA MAMAMAYAN.
4. ITAGUYOD ANG MALASAKIT AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.

History

Maikling Kasaysayan ng Barangay

Noong unang panahon, mga taong 1934 ang lugar na ito ay isang kagubatan. Narating ito ng magkapatid na Batangenio na sina Pedro at Victor Amador, na namimili ng kalabaw at baka na dinadala sa Batangas. Nakita nila ang masaganang pag-aani ng palay sa kaingin ng dalawang pamilyang Doroteo Chavez at Doroteo Penaverde, na galing sa bayan ng Buenavista. Sila ang unang nanirahan sa lugar na ito. Sila ay nagkaingin, nagtanim ng palay, saging at niyog. Ang lugar na ito ay kagubatan na kung tawagin ay kagulangan. Maraming baboy damo, usa at matsing sa lugar na ito. Ang mga ilog ay maraming mga hipon at isda. Sa paglipas ng panahon, nadagdagan ang mga nanininrahan dito. Pagkaraan ng digmaan noong taong 1944, ay lalong dumami ang mga nanirahan dito dahilan sa magandang paninirahan dito, ang karamihan ay galing sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Batangas.

Sa paglipas pa ng mga taon, ang lugar na ito, silangang bahagi ng Barrio Dungawan Central ay naging sitio noong 1968. Sa dahilan na walang maisip na pangalan ang matatanda dito ay tinagurian na lamang na Sitio Dungawan Pantay. Sapagkat ang mga nagpupulong at mga kasayahan ay ginaganap sa Sentro ng Dungwan Central, kaya kailangan pang maglakad ng mga taga sitio ng isa at kalahating kilometro sa matarik na bundok, kaya’t ninais ng mga taga rito na sila ay maging isang Barangay(Barrio pa noon). Kagaya din naman ng San Lorenzo, Sta.Teresita at Dungawan Paalyunan na humiwalay sa kalakihan ng Dungawan Central. Kaya ang ginawa ng pamunuan at matatanda ng sitio ay naghain ng kahilingan na sila ay maging isang Barangay. Ang kahilingan ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan. Sa bisa ng R.A.3590, mula sa sitio ay natatag ang Barangay Dungawan Pantay noong ika-17 ng Marso,1971.

Nagkaroon ng halalan noong Mayo 03,1971 at na halal na Kapitan ay si G.Alejandro Amador. Nagkaroon muli ng halalan noong 1982 at si G.Alejandro Amador ay muling naging kapitan dahilan sa walang lumaban sa kanya. Noong Enero 1990, siya ay namatay sa sakit sa puso. Pumalit sa kanya si Kagawad Eugenio Amador. Naging kapitan si G.Eugenio Amador, na sinundan nina G.Norman Dublois, G.Victor Noblefranca, G.Ricardo Yasis, G.Sulpicio Castillo at ang kasalukuyang kapitan simula taong 2013, Kgg. Marcelino S. De Guzman.

Your Ad Here...