Year | Internal Revenue Allotment | Outsource Fund/ Donation/ Trust Fund and Others | Annual Budget | Expenditure | Balance |
---|---|---|---|---|---|
2017 | 1,600,193.00 | 16,000.00 | 1,616,193.00 | 0.00 | 1,616,193.00 |
Vision
Barangay na maunlad na pinag paqla ng Maykapal may mabiyayang karagatan at kabundukan, Makadiyos, Makatao at Makakalikasan. Malusog at may magandang kalooban na pinangangalagaan ng mapagkalinga, makabayan, tapat at bukas ang kaisipan at masinop na pamunuan.
Mission
Mag alay ng panahon sa pagbibigay ng matapat, magalang, mapagpakumbaba at may kakayahang paglilingkod sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo alinsunod sa pangangailangan ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bayan at kabarangayan.
Goal
Maging Maunlad na Barangay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng permanenting hanapbuhay ang nga kabarangay dito. Mamuhay ng normal at magkaroon ng isang tahimik na Barangay sa pamamagitan ng tiwala sa bawat isa at sa pagtupad ng Ordinansang ipinatutupad ng Barangay. Magkaroon ng pagkakaisa sa pamamagitan ng unawaan para sa kaunlaran at matiwasay na pamumuhay ng ating Barangay.
History
Taong 1927 ang aming nayon ay tinawag o pinangalanang kapuluan Tulon sapagkat ayon sa unang nanirahan dito ang lugar na ito ay binubuo ng maliliit na mga bulubundukin at ilang pantay na lugar na halos nalilgiran ito ng isang mahabang ilog na karugtong at galing sa dagat na naging pagitan ng aming nayon sa ilang Barangay na karatig nito. Kaya buhat noon ito ay tinawag na Kapuluan ,maraming taon pa ang dumaaan at nagkaroon ng isang namuno dito na tinawag na tenyente DEL BARIO na si ginoong Hilarion Cueto at ang pangalang KAPULUAN ay nadagdagan TULON at sa kasalukuyan ang Barangay CAPULUAN TULON ay bnubuo ng pitong sitio na tinawag na , SITIO LABAK,SITIO TULON,SITIO PULUNYA,SITIO BAYOG,SITIO DUHATAN,SITIO SABANG,SITIO HIMAWID.