BUDGET, REVENUE AND EXPENDITURES
No records available.
BARANGAY OFFICIALS
Brgy Official Profile Picture
HON. EDNA P. PURCA
PUNONG BARANGAY
Mobile: 09480582354
Brgy Official Profile Picture
HON. JOEDAN M. NICOLAS
BARANGAY KAGAWAD
Committee: PEACE AND ORDER
Mobile: 09194953488
Brgy Official Profile Picture
ZENAIDA E. MARAVILLA
BARANGAY SECRETARY
Committee: N/A
Mobile: 09506449243

Brgy Official Profile Picture
HON. JOFRIE B. DE GRACIA
BARANGAY KAGAWAD
Committee: APPROPRIATION
Mobile: 09391985215
Passed Ordinances: 1
Brgy Official Profile Picture
HON. EMMANUEL F. JORVINA
BARANGAY KAGAWAD
Committee: PUBLIC WORKS
Mobile: 09289929465
Brgy Official Profile Picture
MELIZA R. CASTRO
BARANGAY TREASURER
Committee: N/A
Mobile: 09105875941

Brgy Official Profile Picture
HON. ROLIE M. DIMARUCOT
BARANGAY KAGAWAD
Committee: AGRICULTURE AND ENVIROMENT
Mobile: 09076302959
Passed Ordinances: 1
Brgy Official Profile Picture
HON. CYREL M. BATALLER
BARANGAY KAGAWAD
Committee: HEALTH
Mobile: 09485961163
Brgy Official Profile Picture
HON. MELCHOR. S. LLERIN
BARANGAY KAGAWAD
Committee: FAMILY AND SPORTS
Mobile: 09506449233

Brgy Official Profile Picture
HON. CONRADO C. DIMARUCOT
BARANGAY KAGAWAD
Committee: EDUCATION
Mobile: 09489165333

VMGH

Vision

Isang Barangaqy na may maayos at malinis na kapaligiran may pagkakaisang mamamayan,malulusog at may maunlad na kabuhayan,Mapagmahal sa kalikasan matibay na pananampalataya sa Diyos

Mission

Kaming Sanggunian ng Barangay Aloneros ay magtutulong tulong kasama ang aming mga kabarangay na mapanatili ang kalinisan ng Barangay , Sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.Hihikayatin ang mga ka Barangay na mapaghiwahiwalay ng wasto ang mga basura. Mapanatili ang katahimikan ng Barangay

Goal

KAMI SANGGUNIANG BARANGAY NG ALONEROS AY MAY HANGARIN NA MAITAAS ANG ANTAS NG KABUHAYAN NG MGA MAMAMAYANG NANINIRAHAN DITO. EDUKASYON SA MARAMING KABATAAN MAKATAPOS SA KOLEHIYO AT MAGING SA MGA SKILLS TRAINING NA INILULUNSAD NG IBAT- IBANG AHENSYA. HANGAD NAMING MAPANATILI ANG KAPAYAPAAN AT PAGKAKAISA UPANG MAKAMTAN NG BARANGAY ALONEROS ANG ISANG MAUNLAD AT MAPAAYAPANG PAMAYANAN.
ANG PAGKAKARUON NG LIVELIHOOD NA MAARING MAKATULONG SA PANGKABUHAYAQN NG MARAMING TAO NA NINIRAHAN DITO.SKILLS TRAINING KUNG SAAN AY ANG ISANG TAO NA MAY ANGKING TALINO SA IBAT IBANG LARANGAN AY MASANAY KUNG KAYA SISISKAPIN NAMING MAIDULOG SA IBAT IBANG AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA NAGKAKALOOB NG MGA BENEPISYO SA MGA MAMAMAYANG NANGANGAILANGAN.

History


Noong unang panahon sa isang ilang na pook sa pamamagitan ng isang malaking ilog ay may dumaong na isang angkan na nagmula sa malayong Bayan ng kabisayaan at sakay ng ilang malalaking Bangka Ang mag_ anak na ito ay pinamumunuan ng pinakamatanda at iginagalang ng lahat na kung tawagin ay si Tata Epe, Sapagkat ang pangalan niya ay Felipe Villafuerte, kasama niya ang kanyang kapatid na lalaki na si Pablo Villafuerte at iba pang kaanak.Ang pook na kanilang dinatnan ay napagtanto nila na magandang panirahan sapagkat malawak ang lupain na maaring pagtamnan at bukod pa sa katabing ilog na maaring pangisdaan.Ang angkan ni Tata ni Epeay nagsimula ng maghawan,magtayo ng kanilang tahanan at magtanim na ang kanilang nahawanan ay malawak pa rin ang kasukalan.

Isang araw ay may dalawang dayuhanng amerikano na nagdaong sa pook na ito. Sa paghahanap ng pakikisilungan sila ay naglakad lakad hanggang makarating sa bahay ni Tata Epe. Sila ay tinanggap ng maayos, dinulutan ng pagkain at pinamahinga.Bagamat hindi nagkaunawan ay halatang nasiyahan ang bawat isa. Samantalang ang bisang Amerikano ay namahinga sa bangkong kawayan, ang isang Amerikano ay namahinga sa may looban. Doon ay dinatnan niya ang isang batang babae na nagdidilig ng halaman. Natutuwang lumapit ang Amerikano pagkakita sa isang pulang bulaklak sabay wika alone rose sa akala ng bata na hinihingi ng amerikano ang bulaklak ay itoy kanyang pinitas at kanyang binigay. How beautifol a lone rose in this woodland ang wika ng dayuhan at iniabot ang bulaklak sa kanyang kasama. Tinandaan ng bata ang salitang a lone rose hanggangn sa nakaalis ang dalawaqng Amerikano ay sinasambit sambit pa niya ang salitang ito. Dahil sa nakatutuwa ang naiiba ang tunog na ito ay ibinigay niyang pangalan sa kanyang alagang bulaklak.Ipinasya din ng mag anak tawaging A lone rose ang pook na iyon bilang alala ng pakikipag kaibigan nila sa mga dayuhan.


Sa pagdaan ng panahon ay may dumating pang ibang tao sa pook na ito at kapag sila ay nagtatanong sa kanilang dinatnan kung ano ang pangalan ng pook na ito ang sinasabi sa kanila ay bA lone rose. sa paglipas ng panahon ang bigkas na banyaga ay nagbago at naging Aloneros na syang pangalan ng maunlad ng Nayon na ito.

Your Ad Here...