BUDGET, REVENUE AND EXPENDITURES
No records available.
BARANGAY OFFICIALS
Brgy Official Profile Picture
Hon. RAZOL G. RIVERA
Punong Barangay
Mobile: 09128715582
Brgy Official Profile Picture
Hon. MELANDRO L. VILLAREAL
Barangay Kagawad
Committee: Infrastructure
Brgy Official Profile Picture
Hon. RONELYN A. DEVILLES
Barangay Kagawad
Committee: Finance and Appropriation
Mobile: 09077270840

Brgy Official Profile Picture
Hon. REYNALDO A. SARTE
Brangay Kagawad
Committee: Agriculture
Mobile: 09391355067
Brgy Official Profile Picture
Hon. ARMANDO G. TANDAS
Barangay Kagawad
Committee: Peace and Order
Mobile: 09499659960
Brgy Official Profile Picture
Hon. LEONITO L. CALUSIN SR.
Barangay Kagawad
Committee: Health and Sanitation

Brgy Official Profile Picture
Hon. MEDARDO A. AREVALO
Barangay Kagawad
Committee: Rules and Ordinances
Mobile: 09399444397
Passed Ordinances: 1
Brgy Official Profile Picture
Hon. WYNDELINA G. CASTILLO
Barangay Kagawad
Committee: Women, Education and Culture, Youth and Sports Development
Mobile: 09122132288
Brgy Official Profile Picture
CAROL V. REYES
Barangay Secretary
Email: carolvill1@yahoo.com
Mobile: 09467279660

Brgy Official Profile Picture
LEONARDO L. ONTIVEROS
Baranagay Treasurer
Mobile: 09473209902

VMGH

Vision

Maging bayang maunlad, masagana, mapayapa at may pagmamahal sa kalikasan na ang mamamayan ay nagkakaisa, nagtutulungan, masayang namumuhay, may mataas na antas ng moralidad at pagsunod sa Diyos.

Mission

Bigyan ng sapat na kabuhayan ang lahat ng mamamayan, patuloy na gumagawa at magtupad ng batas na makatutulong sa pag-unlad ng barangay, at palaganapin ang pangangalaga sa kalikasan.

Goal

Mabigyan ng maganda, masagana at tahimik na pamumuhay ang mga mamamayan na nasasakupan ng Barangay na ito.

History

KASAYSAYAN NG BARANGAY MALINAO ILAYA
Ang AMlinao Ilaya ay kinilala sa gayung pangalan matapos pagdalawahin ang isang mahabang nayon na noong una ay kilala sa taguring Malinao. Ang isang bahagi ng nasabing nayon noong panahong iyon ay tinawag na Malinao Ibaba at ang bagong dagdag na kalawakan ng bukiring nahawan at pinagtitirhan ng mabilis na dumaraming mga taong nayon ay tinawag na Malinao Ilaya. Magpahanggang ngayon ang salitang Ibaba at Ilaya ang nagpapaliwanag sa sarili kung alin sa dalawa.

Malinao ang naging binyag sa nayong ito sa dahilangnoong bago pa lamang nililinis ang mga makikitid na pantaying at bundukin ay napuna ng mga unang tao na ang lahat ng batis at mga ilog ay dinadaluyan ng masagana, malinis, at malinaw na tubig na hindi nalalabo baga man at ang nayong ito ay nasa paanan ng mataas at mababang bundok ng Siera Madre na kaugnay ng bundok Banahaw.

Matapos na matatag at ihiwalay ang Ilaya sa dating pinagmulang pook ang nayong Malinao Ilaya ay binuo ng mga sumusunod na Purok:
1. Kabay-An
2. Bulong-Bulongan
3. Malapaho
4. Labak-An

Ang pagkakatatag ng nayong Malinao Ilaya ay kinilala noong taong 1912-1913 sa kahilingan ni G. Juan Martinez, Kalihim ng Bayan sa mga unang tanyag at pinaniniwalaang tao sa pook na ito na sina : G. Hermogenes Escasa at Juan Ambas. Ang dahilan ay sapagka't ang dating nayon ng Malinao ay napakalawak at ang isang punong nayon na nalagay sa tungkulin ay tumanggap ng maraming gusot sa pagpapatupad. Halimbawa'y kung ang isang punong nayon ay naninirahan sa dakong ibaba. Ang mga taong nasa dakong Ilaya ay hindi dadalo sa pulong. Kung sa Ilaya naman gaganapin ang pulong, nag-aatubili namang dumalo ang mga taga ibaba. Gayundin ang umiiral na kalooban ng mga taga nayon kapag may mga okasyon tulad ng "Bisita Opisyal", tapusan ng dasal sa nayon at iba pang pagtitipon. Ang Punong Bayan noong mga taong iyon ay si Don Gregorio Orda at ang Konsehal ng Distrito ay si G. Victorio Vargas.

Your Ad Here...