Year | Internal Revenue Allotment | Outsource Fund/ Donation/ Trust Fund and Others | Annual Budget | Expenditure | Balance |
---|---|---|---|---|---|
2019 | 696,936.00 | 458,940.95 | 1,155,876.95 | 719,465.76 | 436,411.19 |
Vision
Isang pamayanang may takot sa DIyos, nagpapahalaga, kumakalinga sa kalikasan, nagmamahal sa bayan at rumerespeto sa karapatang pantao, na mayroong pantay-pantay na pagpapahalaga sa bawat isa.
Mission
Hikayatin ang barangay na magkaisa, magmahalan at lalo't higit ay magtulungan para magkaroon ng isang mapayapang pamayanan at lalo't higit ay maunlad na kinabukasan.
Goal
Mapamahalaan ng barangay ang pagbuo at pagpapatupad ng stratehiya, polisiya, at pag-aangkop upang mabawasan ang negatibong epekto ng bantang panganib at posibilidad ng disaster. (R.A. 10121)
History
Ang BUROL ay nagmula sa tawag na "mataas na lupa" ang kahulugan, at dahil nga sa lugar na ito na kung iyong gustong marating, ang Barangay Burol ay mattas na lugar at bulubundukin kung kaya't karamihan dito ay paahon ang daan.
Katulad ng "Kabunggo" na salitang tagalog na ang ibig sabihin ay halang, ang lugar ding ito ay may katabi na kung tawagin ay "haling at bulakan" na ang ibig sabihin ay "canon". Dahil tanaw na tanaw mo o nakaharap sayo kapag iyong pupuntahan. Sa tawag namang halang ito daw ay kakaibang halaman ang tumutubo dito. Bulakan ang binigay na pangalan sa isa pang lugar sa Burol kung saan natagpuan ang maraming puno ng Bulak na itinanim ng mga Amerikano noong nagtungo sila sa Burol. Dito kinuha ang pangalang "Bulakan".
Noong una, ang Burol ay tinatawag na "Ibabang Banga" dahil silangan nito ang Kabunggo ng "Ilayang Bakia" sa pagitan naman ng dalawang baryo ay kapirasong lupa na nasasakop ng Luisiana, isa pang bayan sa Laguna. Burol na ang tawag sa baryong ito. Dito kumukuha ng tubig inumin ang mga taga-rito.
Noong unang panahon at panahon pa ng Kastila ang Luisiana ay bahagi pa ng Majayjay at Burol ang itinatawag sa baryo kaya't ngayon ay ginawa ng Barangay Burol.